BSP governor Espenilla, cancer-free na

 

Ibinunyag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr. na napagtagumpayan na niya ang kanyang laban kontra sa cancer.

Sa isang post ni Espenilla, sinabi nito na noong November ng nakaraang taon siya na-diagnose na mayroong early stage ng tongue cancer.

Aniya, sumailalim siya kaagad sa operasyon at sa ngayon ay cancer-free na.

Pinayuhan rin umano siya ng kanyang doktor na sumailalim sa radiation therapy para na rin makasigurado na wala nang cancer cells sa kanyang sistema at natapos na ni Espenilla ang kanyang mga sessions.

Ani Espenilla, mayroong mga hindi maiiwasang epekto ang pagsailalim niya sa radiation therapy kagaya ng dry throat at mouth sores na inaasahan namang mawawala rin.

Sinabi ng kanyang mga doktor na tuluyan siyang makakarekober sa loob ng isang buwan.

Ayon pa kay Espenilla, inilabas niya ang kanyang pahayag tungkol sa kanyang kalusugan upang sagutin ang mga katanungan ng marami tungkol dito.

Paninigurado pa ni Espenilla, kumpyansa siyang hindi maaapektuhan ng kanyang kalusugan ang kanyang pagtatrabaho bilang BSP governor.

Read more...