Ayon kay Umali, nakasaad sa kanyang inihaing House Bill 7167 ay pagpapaliban lamang ng Barangay Election ngayong Mayo.
Paliwanag ni Umali, nakadepende pa rin ito sa pasya ng kanyang mga kapwa mambabatas dahil mas nakatuon sila ngayon sa pagpapalit ng Saligang Batas na isa sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panukala ni Umali, nais niyang ipagpaliban muna sa taon na ito ang pagdaraos ng barangay at SK polls at isagawa na lamang sa ikalawang Lunes ng May 2019 para bigyan ng pagkakataon ang pamahalaan sa proseso na dapat pagdaanan ng pagbago ng Saligang Batas.
Sa ngayon, sinabi ni Umali na “matutuloy ang eleksyon sa 2019” at pagsabaysabayin na lamang daw ang plebesito para sa bagong Konstitusyon at ang barangay at SK polls.
Pahayag ito ng Oriental Mindoro solon kasunod ng ibinunyag ni Caloocan Rep. Edgar Erice na ikinakampanya ni Umali sa Metro Manila congressmen ang postponement ng barangay at SK elections sa Mayo upang sa gayon ay hindi rin daw matuloy ang halalan naman sa sususnod na taon.