Mga opisyal ng gobyerno, bumisita sa Kuwait kaugnay ng deployment ban
Nasa Kuwait ngayon ang ilang mga opisyal mula sa Pilipinas kaugnay ng pagpapatupad ng deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers sa naturang bansa.
Ayon kay Deputy Minister for Labor and Employment Ciriaco Lagunzad, layunin ng kanilang pagtungo sa Kuwait na tukuyin at pag-aralan ang epekto ng deployment ban sa mga OFW.
Ayon kay Lagunzad, nakikipag-usap sila sa iba’t ibang samahan ng mga Pinoy Workers sa Kuwait upang alamin kung maayos at ligtas ang kondisyon ng mga ito.
Ilan aniya sa mga hiling ng mga OFW na kanilang mga nakausap ay ang pagpapahintulot sa kanilang makagamit ng cellphone at passport na kalimitang iniiwan sa pangangalaga ng kanilang mga employers.
Samantala, ilang mga recruitment agency naman ang humihiling sa pamahalaan na alisin na ang deployment ban.
Ito ay dahil marami aniyang mga OFW ang nalalagay sa alanganin ang kabuhayan dahil bigong makabalik sa kanilang trabaho.
Dahil aniya dito, apektado na ang kani-kanlang pamilya na umaasa sa mga ipinadadalang pera ng mga OFW.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.