Higit 13,000 pamilya, inalis ng DSWD sa 4Ps

By Kathleen Betina Aenlle October 02, 2015 - 06:21 AM

Banner_DSWD-Pantawid_150427_Twitter-041Mahigit sa 13,000 na pamilya sa southern Mindanao ang inalis na sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD regional chief Priscilla Razon, 228,793 pamilya ang nakalistang benepisyaryo ng 4Ps sa nasabing rehiyon.

Ngunit matapos ang kanilang isinasagawang mga pagsusuri, 13,195 sa mga ito ay lumalabas na hindi kwalipikado na maging kabilang sa mga nakakatanggap ng sustento mula sa gobyerno, kaya naman inalis na ang mga ito sa listahan.

Ang mga nasabing pamilyang napagalamang hindi na kwalipikado ay iyong mga may mga maayos na pinagkakakitaan, mga mali o hindi naman talaga dapat naisama sa listahan, o kaya iyong mga walang anak.

Ani Razon may ilan naman na kusang ipinaalis ang kanilang pamilya sa listahan, pero hindi na niya idinetalye pa kung bakit.

Samantala, bagaman marami sa mga nasabing pamilya ay mula sa probinsya ng Davao (Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao Oriental) at Compostela Valley, inaasahan namang madaragdagan pa ang mga benepisyaryo kasunod ng resulta ng isinagawang nationwide household census.

Aniya, magkakaroon pa rin naman ng pagkakataong makasama sa programa ang mga hindi nabilang sa naturang census.

Ayon naman sa tagapagsalita ng DSWD sa rehiyon, hindi bababa sa 781,000 households na nasa listahan ang sumailalim sa reassessment sa pamamagitan ng pagbuo ng mga validation committees sa bawat bayan at lungsod sa Northern Mindanao.

TAGS: 4PsDSWD, 4PsDSWD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.