
Siyam na mga inmates at isang pulis ang sugatan matapos magkaroon ng kaguluhan sa loob ng Quezon City Jail.
Ayon sa paunang impormasyon mula kay Superintendent Christian Dela Cruz, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10, alas-4:10 ng hapon nang magsimula ang gulo sa loob ng piitan matapos mag-away ang mga inmates.
Nagkampihan umano ang iba’t ibang mga gang sa loob ng kulungan kaya lalo pang lumaki ang gulo.
Agad na rumespunde ang mga pulis at jail officers at bandang alas-4:40 nang matigil ang riot.
Sa pagsisiyasat sa QC Jail ay narekober ng mga otoridad ang ilang mga improvised na pana.
READ NEXT

Sa halip na dilaw: Pula, puti at asul na confetti ginamit sa 32nd EDSA People Power celebration
MOST READ
LATEST STORIES