Iya Villania at Drew Arellano, magkaka-baby na uli

 

Inihayag na ng celebrity couple na sina Iya Villania at Drew Arellano na magkakaroon na sila ng ikalawang baby.

Sa post ng mag-asawa sa kani-kanilang personal Instagram accounts, ay ibinahagi nila ang kanilang kakaibang paraan para sa ipaalam sa publiko ang kasarian ng kanilang magiging baby.

Sa video, makikita na kapwa nasa gym na puro blue at pink na lobo sina Iya at Drew habang ginagawa ang kanilang paboritong workout na crossfit.

Sa dulo ng video, makikitang lumapit ang kanilang panganay na anak na si Primo at doon ay sabay na pinutok ni Iya at Drew ang mga lobo, kung saan nagliparan ang blue powder na sumisimbolo na lalaki ang kanilang baby number 2.

Samantala, hindi pa batid kung kailan isisilang ni Iya ang kanilang ikalawang anak na dalawang taong mas bata kay Baby Primo.

Read more...