Mga pasahero, binulabog ng bomb scare sa Quezon City

Credit: Google

(Updated) Mabigat ngayon ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA, malapit sa Congressional Avenue sa Quezon City.

Ito ay dahil sa isang bomb threat sa isang pampasaherong provincial bus.

Ayon sa mga otoridad, lahat ng mga pasaherong sakay ng Genesis bus ay agad na pinababa mula dito.

Sa ngayon ay natapos na ang isinagawang inspeksyon ng Explosive Ordinance Disposal sa nasabing bus. Ayon sa mga ito, walang nakitang bomba sa loob ng Genesis bus.

Dagdag pa ng mga otoridad, isang naiwang bagahe ang pinagmulan ng hinala na mayroong bomba sa bus.

Read more...