Makasaysayang “salubungan”, isinagawa sa paggunita sa Edsa day

Credit: Nikko Dizon/PDI

Isinagawa ang makasaysayang “salubungan” sa inihandang programa sa ika-32 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution, Linggo ng umaga.

Kasama si dating Pangulong Fidel Ramos, pinangunahan ng anak ng yumaong dating Sen. Agapito Aquino na si Jackie Aquino ang paglakad patungo sa People Power Monument.

Kasama ang ilang sibilyan, kasunod rin ng mga kilalang personalidad ang isang V-150 Commando tank sa programa.

Nagtapos naman ang programa nang pagpapalipad ng confetti kasabay ang makasaysayang kantang “Magkaisa.”

Samantala, ginawaran ng People’s Power Heroes Award si Ramos at dalawang iba pa.

Read more...