Orange rainfall warning, itinaas na sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon

KabayanItinaas na ang Orange rainfall warning sa Metro Manila, at limang kalapit na lalawigan.

Sakop ng orange rainfall warning ang buong Metro Manila, Bulacan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija at Rizal.

Sa ilalim ng Orange Warning, nangangahulugang umabot na sa 15-30mm ang ulan na naibuhos sa mga nabanggit na lugar na inaasahang tatagal sa susunod na dalawang oras.

Samantala, Yellow Warning naman ang itinaas ng PAGASA sa Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas at Quezon.

Nangangahulugan naman itong nakaranas na ng 7.5 hanggang 15mm na buhos ng ulan sa nabanggit na mga lugar sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal sa susunod na dalawang oras.

Read more...