Isinagawang prayer vigil sa Edsa, nagkaroon ng tensyon

By Angellic Jordan February 25, 2018 - 10:02 AM

Nagkaroon ng komosyon sa pagsisimula ng mga aktibidad para gunitain ang ika-32 taong anibersaryo ng 1986 Edsa People Power Revolution pasado 6:30, Linggo ng umaga.

Nagsimulang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga pulis at mga militante nang pwersahang inalis ng mga pulis ang tent ng mga militanteng nagsasagawa ng prayer vigil sa bahagi ng People Power Monument.

Ito kasi ang nagsilbing holding area ng mga VIP na dumalo sa programa ngayong Linggo ng umaga.

Dahil dito, Ipinagtanggol ni Fr. Robert Reyes ang mga sibilyan mula sa naging aksyon ng mga otoridad.

Aniya, ang Edsa ay para hindi lamang para sa mga opisyal ng gobyerno kundi para din sa mga mamamayang Pilipino.

Giit naman ng pulisya, “no permit, no rally” sa bahagi ng monumento mula 5:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali para bigyang-daang ang mga programa ngayong umaga.

Pinangunahan ni Fr. Reyes ng isinagawang prayer vigil kaninang umaga.

TAGS: 32nd Edsa People Power Revolution, edsa, Fr. Robert Reyes, PNP, 32nd Edsa People Power Revolution, edsa, Fr. Robert Reyes, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.