Ilang aktibidad sa People Power monument, umarangkada na
Umarangkada na ang iba’t ibang aktibidad para sa paggunita ng ika-32 taong anibersaryo ng 1986 Edsa People Power Revolution.
Maagang nagsagawa ng misa sa People Power Monument sa Quezon City.
Pinangunahan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang isinagawang flag raising at wreath laying ceremony kasabay ang gun salute sa lugar.
Ayon kay Ramos, ang Edsa People Power ang nagsimula ng pagbabago sa bansa.
Huwag rin aniyang kalimutan ang iniwang aral at ipinamalas na pagkakaisa ng mga Pilipino noong Edsa revolution.
Samantala, nag-antabay ang aabot sa 300 sundalo at pulis kasama ang ilang sibilyan at isang V-150 Commando tank para sa tradisyunal na “salubungan” sa tapat ng Corinthian Gardens.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.