Sundalo, patay matapos atakihin ng hinihinalang NPA member sa Oriental Mindoro

Inquirer file photo

Patay ang isang sundalo matapos mabarilin gamit ang sniper ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Cafgu Active Auxiliary Detachment sa bayan ng Bulalacao, Oriental Mindoro.

Ayon kay Mimaropa police information officer Supt. Imelda Tolentino, agad nasawi ang sundalong si Domingo Berber sa tinamong tama ng bala sa bahagi ng Sitio Cambayang sa Barangay Cabugao.

Nangyari ang pag-atake ng pinaniniwalaang komunistang grupo bandang 8:30, Sabado ng umaga.

Tumama ang bala sa kanang bahagi ng dibdib ng biktima.

Read more...