Isang pulis ang sugatan matapos sumabog ang tatlong bomba sa lungsod ng Sittwe sa Myanmar.
Ang naturang pagpapasabog ay tatlong araw lamang matapos naman sumabog ang isa pang bomba sa Lashio na kumitil sa buhay ng dalawang tao at nakasugat sa 22 iba pa.
Isa sa tatlong mga bomba ay sumabog sa bakuran mismo ni state government secretary Tin Maung Swe. Habang ang natitirang dalawa pa ay sumabog naman malapit sa kanilang high court at land record office.
Ayon kay Colonel Myo Thu Soe, tatlong hindi sumabog na mga bomba ang kanilang natagpuan sa iba pang bahagi ng lungsod.
Aniya, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matunton kung sino ang nasa likod ng pag-atake. Sa ngayon kasi ay wala pang nagiging pahayag ang Rohingya insurgents na Arakan Rohingya Salvation Army.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.