Halaga ng kapayapaan, sentro ng homilya ni Cardinal Tagle sa kapistahan ng ‘OL of EDSA’
Pinamunuan ng Kanyang Kabunyian, Luis Antonio Cardinal G. Tagle ang ‘fiesta mass’ sa karangalan ng Mary Queen of Peace o mas kilala bilang Our Lady of EDSA sa dambana nito sa Mandaluyong City.
Ang kapistahan ng Birhen ng EDSA ay nagmamarka rin sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Sumentro ang homilya ng Cardinal sa kahalagahan ng kapayapaan at kung paano ito matatamo.
Anya, mahalagang matutunan ng mga tao ang magpatawad sa mga kaaway upang matamo ang kapayapaan tulad ng itinuro ng Panginoong Hesukrito.
“Jesus said, we should love our enemies…He said love them and pray for those who are against you,” ani Tagle.
Iginiit din ng Arsobispo na ang pagpupunla ng kapayapaan ay magdudulot din ng pag-ani dito.
Kapayapaan din ang bunga ng papupunla ng katarungan, pagmamahal at paggalang ayon kay Tagle.
Kailangan anya na ang grasyang ito ay hilingin sa Panginoon at sa mahal na ina dahil hindi ito magagawa ng tao lamang.
“Peace is the fruit if we planted justice, truth, love and respect. If we planted peace we will reap peace. We need to ask for grace. We cannot do it without the grace of our Lord and our Blessed Mother,” ani Tagle.
Ang dambana ng Our Lady of Edsa ay itinayo noong 1989 at naging saksi sa mapayapang rebolusyon para patalsikin ang dalawang administrasyoon noong mga taong 1986 at 2001.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.