Residential area sa Barangay Pansol, Quezon City, nasunog

By Justinne Punsalang February 25, 2018 - 04:52 AM

Naiwang nakasinding kandila ang sinasabing dahilan ng sunog na nakasugat sa lima katao sa Barangay Pansol, Quezon City.

Itinaas lamang sa unang alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-12:20 ng hatinggabi at agad na naapula bago mag ala-1 ng madaling araw.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Rolando Valeña ng Quezon City Fire Department, walang kuryente sa lugar kaya nagsindi ng kandila ang may-ari ng bahay na si Rolando Ramiscal sa ikatlong palapag nito. Ngunit nang umalis para umano magsugal ay iniwan ni Ramiscal ang kandila para sa kanyang dalawang natutulog na anak.

Dahil sa insidente ay pare-parehong nagtamo ng second degree burn si Ramiscal at kanyang dalawang anak. Habang first degree burn naman ang tinamo ng dalawang kapitbahay nito.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang ang bahay sa light materials.

Tinatayang aabot sa P50,000 ang kabuuang pinsala dahil sa sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.