Riding in tandem patay sa engkwentro sa mga pulis sa Tondo, Maynila
Dead on the spot ang dalawang lalaking hinihinalang mga riding in tandem matapos umanong manlaban at makabarilan sa mga pulis sa Tondo, Maynila.
Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga nakabulagtang suspek.
Kapwa mayroong tig-isang hindi pa batid na kalibre ng baril ang mga lalaki.
Ayon kay Police Superintendent Jerry Corpuz na siyang hepe ng Sta. Ana Police Station, nakatanggap ng tawag mula sa isang concern citizen ang kanilang himpilan tungkol sa operasyon ng naturang riding in tandem.
Kaya naman nagpakalat agad ang mga otoridad ng mga tauhan kung saan namataan at sinundan ang mga suspek.
Nang mapansin umano ng mga ito na sinusundan sila ng mga pulis ay agad na nagpaputok ang mga suspek, dahilan upang gumanti rin ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang lalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.