Libu-libo, lumahok sa ‘Walk for Life’ 2018 sa iba’t ibang bahagi ng bansa

By Rohanisa Abbas February 25, 2018 - 01:09 AM

Photo Courtesy of Cebu Daily News

Lumahok ang 5,000 katao sa “Walk for Life with Mary” sa Cebu City na isang prayer rally laban sa mga pagpatay na nagaganap sa bansa.

Pinangunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang dalawang kilometrong pagmamartsa mula sa Fuente Osmeña hanggang Cebu Metropolitan Cathedral.

Nagdarasal ang mga nakiisa hawak ang kanilang rosaryo at mga kandila habang umaawit.

Sa kanyang misa sa simbahan, ipinaalala ni Palma ang kabanalan ng buhay, pag-aasawa at pamilya.

Iginiit niya na suportado ng Simbahang Katolika ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga, ngunit kinukwestyon ang pamamaraan ng kampanya.

Sinabi ni Palma na walang sinumang may karapatan na tapusin ang buhay ninuman.

Ganito rin ang laman ng homilya ni Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa “Walk for Life” sa Quirino Grandstand sa Maynila. Sinabi niya na dapat pahalagahan ang buhay ninuman maging kaaway man ito o taong hndi gusto.

Tinatayang 2,000 katao naman ang nakiisa sa Maynila.

Layon ng prayer rally na ipahayag ang pagtutol sa gyera ng administrasyon kontra droga, pagbuhay sa parusang kamatayan, pagsira sa kapaligiran, at iba pang usapin sa lipunan.

Nagsagawa rin ng “Walk for Life” sa Cagayan de Oro, Laguna at Tarlac.

TAGS: Archdiocese of Cebu, Archdiocese of Manila, Walk for Life 2018, Archdiocese of Cebu, Archdiocese of Manila, Walk for Life 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.