Mga kilos-protesta ikinasa kasabay ng People Power Anniversary
Inaasahang libu-libo katao ang makikiisa sa kilos protestang ngayong araw kasabay ng paggunita sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power.
Pangungunahan ng Buklurang Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas at Partido Lakas ng Masa ang pagkilos ng mga militanteng grupo.
Layon nito na kundenahin ang umano’y mala-diktador na hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para isulong ang charter change.
Iginiit ng BMP na tanging ang mga kaalyado ni Duterte at political dynasties ang makikinabang sa pagbabago sa Saligang Batas.
Magtitipon ang mga militanteng grupo sa kanto ng EDSA at Quezoon Avenue, at tutungo ang mga iba pang grupo ng Laban ng Masa sa Bantayog ng mga Bayani.
Matapos nito ay magmamaratsa ang mga militante sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.