Presyo ng diesel, gasolina at gaas tataas sa susunod na linggo

By Den Macaranas February 24, 2018 - 06:55 PM

Makaraan ang dalawang linggong sunod na price rollback ay magpapatupad naman ng price increase ang mga kumpanya ng langis sa papasok na linggo.

Sa impormasyon na nakuha ng Department of Energy (DOE), aabot sa P0.90 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel.

Nasa pagitan naman ng P0.55 hanggang P0.65 bawat litro ang dagdag sa halaga ng gasolina samantalang P1.00 naman sa kada litor ng gaas o kerosene.

Inaasahan na ipatutupad ang nasabing dagdag singil sa Martes ng umaga tulad ng mga nagdaang pagkakataon.

Sinabi ng ilang industry player na patuloy ang malikot na presyon ng presyo ng petrolyo sa world market na siyang nakaka-apekto sa halaga nito dito sa ating bansa.

Wala namang inaasahang paggalaw sa halaga ng auto LPG at cooking gas.

TAGS: disel, DOE, gasoline, kerosene, price incrase, disel, DOE, gasoline, kerosene, price incrase

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.