Measles outbreak idineklara sa Zamboanga City
Nagdeklara na ng measles outbreak ang Zamboanga City Health Offices makaraang pumalo sa higit sa 100 ang bilang ng mga tinamaan ng tigdas sa nasabing lungsod.
Aminado si City Health Officer Dr. Dulce Amor Miravite na tumaas ang bilang ng mga nagkaroon ng tigdas dahil sa pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Dahil sa congested ang lugar ng karamihan sa mga nagkasakit ng tigdas kaya mabilis na kumalat ang nasabing uri ng airborne disease ayon pa kay Miravate.
Kaugnay nito ay isang massive immunization program ang nakatakdang gawin ng Zamboanga City local government sa susunod na linggo para mapigilan ang pagkakasakit pa ng mga bata.
Kasabay nito ay umapela sila sa mga magulang na pabakunahan ang kani-kanilang mga anak.
Sa kabuuan, target ng Zamboanga City Health Office na mabakunahan ang aabot sa 121,000 na mga bata para mabigyan sila ng proteksyon kontra sa tigdas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.