6 huli sa aktong gumagamit ng shabu sa Valenzuela City

By Rohanisa Abbas February 24, 2018 - 05:55 PM

Huli sa akto ang anim na lalaking gumagamit ng shabu o Methamphetamine sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Valenzuela City bandang 9:30, Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, ginawang drug den ng mga suspek ang pag-aaring talyer ng isa sa mga suspek na si Emmanuel Marinias, 29-anyos, sa bahagi ng Lamesa Street, Barangay Ugong.

Sinabi ni Valenzuela police chief Senior Supt. Ronaldo Mendoza na naaresto ang iba pang suspek na sina Noelito Demetion, 45-anyos; John Carl Gatdula, 37-anyos; Egmadio Calixtro, 31-anyos; Manuel Abejo, 42-anyos at Dennis Salvador, 37-anyos.

Kabilang aniya sa drug watchlist si Marinias habang drug surrenderee naman si Demetion sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP).

Narekober mula sa suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng hindi baba sa P75,000, drug paraphernalia, dalawang .38 revolver at ilang parte ng M16 rifle na umano’y pag-aari ni Marinias.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act No. 9185 habang kasong illegal possession of firearms naman kay Marinias.

TAGS: Illegal Drugs, pot session, shabu, vakenzuela city, Illegal Drugs, pot session, shabu, vakenzuela city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.