Pagwasak sa ilang resort sa Boracay sinimulan na ng DENR

By Rohanisa Abbas February 24, 2018 - 03:42 PM

Inquirer photo

Sinimulan na ang paggiba sa iligal na struktura sa isang tanyag na resort sa Boracay.

Dakong 10:15 kaninang umaga, sinira ang viewdeck sa ibabaw ng rock formations sa Boracay West Cove Resort sa Barangay Balabag.

Kusang-loob na ipinagiba ito ng may-ari ng resort na si Crisostomo Aquino.

Sa paglilibot ni Environment Secretary Roy Cimatu, nadiskubre na walang permit ang pagtatayo ng viewdeck sa resort.

Sinabi ni Cimatu na nasira nito ang rock formation na natural resource sa lugar.

Binigyan ng Department of Environment and Natural Resources ang West Cove ng Forest Land Agreement for Tourism purposed permit para sa 998 square meters ng forestland.

Kinansela ang naturang permit ngunit inapela ito ng may-ari ng resort at nakabinbin pa sa Office of the President.

Sinabi naman ni Aquino na kusa niyang pinagiba ang viewdeck bilang pakikiisa na rin sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang Boracay.

TAGS: boracay, cimatu, DENR, westcove, boracay, cimatu, DENR, westcove

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.