Libu-libong katoliko dumagsa sa Luneta para sa “Walk for Life”

By Jimmy Tamayo February 24, 2018 - 11:17 AM

Radyo Inquirer

Pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop at CBCP Commission on the Laity Chairman Broderick Pabillo ang pagdarasal sa Quirino Grandstand.

Kaugnay ito ng idinaos na prayer rally na tinawag na “Walk for Life” sa pangunguna ng Sangguninang Laiko ng Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang lay groups sa bansa.

Layon ng okasyon na maiparating sa publiko ang pagtutol sa kampanya kontra droga ng administrasyon, aborsyon, pagbuhay sa parusang kamatayan, pagsira sa kapaligiran at ibat-ibang isyu na kinakaharap ngayon ng lipunan.

Ang prusisyon ay nagsimula kaninang alas-4:00 ng umaga patungo sa Quirino Grandstand sa Maynila kung saan idinaos ang isang misa.

Nagkaroon din ng kaparehong aktibidad sa Tarlac, San Pablo, Cebu at Cagayan De Oro.

TAGS: CBCP, pabillo, Quirino Grandstand, walk for life, CBCP, pabillo, Quirino Grandstand, walk for life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.