1 patay, 1 kritikal sa aksidente sa construction site sa Pasig City

By Kathleen Betina Aenlle October 02, 2015 - 04:48 AM

 

Mula sa FB account ni Andro Guevarra

Patay ang isang 27 anyos na construction worker habang kritikal naman ang katrabaho nito matapos mabagsakan ng sementadong bahagi ng ginagawa nilang condominium sa Pasig City.

Naganap ang aksidente kahapon ng umaga na siyang ikinamatay ng biktimang kinilalang si Andro Guevarra, samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang kasamahan nitong nakilalang si RJ Gain.

Dinala pa siya sa Rizal Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival bandang 8:30 ng umaga ayon sa kaniyang asawang si Mardia Cristina.

Nang hingan ng komento ang DM Consunji Inc. (DMCI) na contractor ng proyektong The Royalton, sinabi nito sa kanilang pahayag na masusing iimbestigahan ng safety officer sa site ang nangyaring insidente.

Nais din nilang tiyakin ang kanilang manggagawa at ang publiko na nagsasagawa na sila ng mga karagdagang safety measures sa nasabing gusali lalo na sa mismong pinangyarihan ng aksidente para masiguro ang kaligtasan at hindi na ito muling maulit.

Naghihimutok naman ang pamilya ng biktima dahil hindi maipaliwanag ng DMCI ang totoong nangyari.

Sinabi rin sa kanila ng representative ng DMCI na ang dalawa lamang ang nasa palapag na iyon noong nangyari ang aksidente, ngunit hirap silang paniwalaan ito dahil alam nilang dapat sa bawat palapag ay may naka-talagang safety officer. Ani Mardia, ipinagtataka rin nila kung bakit natagalan ang pagsalba sa kaniyang asawa at sa kasamahan nito. Nang magpapunta namang ng tauhan si Pasig City Police Senior Superintendent Jose Hidalgo Jr. sa pinangyarihan ng aksidente, iginiit ng isang staff doon na wala namang namatay na trabahador sa gusaling iyon.

Dahil sa mistulang cover up na nangyayari, siniguto ni Hidalgo na magsasagawa sila ng mas malalimang imbestigasyon para malaman ang mga totoong pangyayari lalo pa’t aniya nagbigay ng maling impormasyon sa kanila ang security officer ng The Royalton.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.