Trapiko sa Baguio City usad-pagong na dahil sa Panagbenga festival

By Den Macaranas February 24, 2018 - 09:10 AM

PHOTO BY EV ESPIRITU / INQUIRER NORTHERN LUZON

Maagang napuno ng mga tao ang mga rutang dadaanan ng parade para sa highlight ng 23rd Panagbenga ngayong taon.

Kasabay nito ang pagpapakalat ng Philippine National Police ng kanilang mga tauhan partikular na sa mga tourist spots sa baguio City.

Pangungunahan ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino ang nasabing event bilang opisyal na kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban sa parada ng mga floats na puno ng mga bulaklak, tampok rin sa pagdiriwang ang street dancing.

Nauna na ring sinabi ng lokal na pamahalaan ng Baguio City na inaasahang aabot sa 1 milyon ang bilang ng mga foreign at local tourists na pupunta sa lungsod ngayong weekdend dahil sa nasabing festival.

Bukod sa inayos na daloy ng trapiko, inihanda na rin ng lokal na pamahalaan ang bagong sistema sa pagkoleta ng basura lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.

TAGS: baguio city, Panagbenga Festival, Tolentino, baguio city, Panagbenga Festival, Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.