White House binulabog ng isang terror threat

By Den Macaranas February 24, 2018 - 08:25 AM

AFP PHOTO / SAUL LOEB

Nabulabog ang paligid ng White House makaraang pumasok sa isang restricted area sa lugar ang isang kotse at binangga pa ang security barrier nito.

Kaagad namang naaresto ang isang babae na hindi pa pinapangalanan na siyang nagmamaneho ng nasabing kotse.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon nan aka-enkwentro ng mga otoridad ang nasabing 35-anyos na babae na residente sa La Vergne, Tennessee.

Sa paunang report, sinabi ng U.S Secret Service na nasa loob ng White House si U.S President Donald Trump at nakikipagpulong kay Australian Prime Minister Malcolm Turnbull nang maganap ang insidente.

Kaagad na itinaas ng U.S Secret Service ang kanilang alert level makalipas ang nasabing pagtatangka sa White House kasunod ng ilang minutong lockdown.

Nagpasalamat naman si Trump sa mabilis na pagtugon ng mga operatiba ng U.S Secret Service at kaagad na napanatili ang kaayusan sa loob ng White House.

TAGS: secutiy, trump, turnbull, White House, secutiy, trump, turnbull, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.