Ito ay para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng generation 2 trains ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na sakaling matapos ay inaasahang magpapabilis pa sa travel time ng mga pasahero ng linya ng tren.
Ayon kay LRMC President and Chief Executive Officer Juan F. Alfonso, 24 na generation 2 light rail vehicles (LRV) ang kukumpunihin sa loob ng dalawang taon.
Ito ang kauna-unanhang ‘overhaul’ ng Generation 2 LRVs simula ng mabili ang mga naturang bagon sa Hyundai and Adtranz Sweden noong 1999.
Sakaling maisakatuparan, magpapadali pa ito sa pagcocommute ng mga pasahero sa LRT 1 ayon kay Alfonso.
Nauna nang natapos ng LRMC ang P1-billion rehabilitation ng generation 1 LRVs ng LRT 1 na nagdulot ng mga positibong resulta tulad ng pagtaas ng bilang ng biyahe ng tren at pagbawas ng ‘waiting time’ ng mga pasahero.
Sa kasalukuyan mayroong 51 na generation-1 LRVs na binili noong 1984 ang LRT 1, walong generation-2 LRVs at 44 generation-3 na binili naman noong 2007.
Darating naman ang 120 bagong LRVs na binili ng Department of Transportation sa taong 2020.