Dela Rosa: Imbestigasyon ng AI sa human rights sa bansa, hindi mabusisi

By Mark Makalalad February 24, 2018 - 04:35 AM

Naniniwala si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na hindi naging mabusisi ang Amnesty International sa isinagawa nilang report kaugnay ng kalagayan ng human rights sa bansa.

Ito’y kasunod na rin sa pagsama ng AI kay Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga ‘worst performing leader’ sa buong mundo, na ikinadismaya ni Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, hindi totoo ang mga paratang grupo na walang makabuluhang imbestigasyon ang Pilipinas sa war on drugs.

Katwiran ni Dela Rosa, kung ganito ang sitwasyon ay malamang wala sanang mga pulis na nakakasuhan, nadi-dismiss sa serbisyo at nakukulong dahil sa kanilang paglabag sa tungkulin.

Dagdag pa ni Bato, ginagawa ng PNP ang lahat para matiyak na tama at hindi minamadali ang resulta ng mga pag-aaral sa kaso nang sa gayon ay maging patas ito.

Matatandaang ito na ang ikalawang sunod na taon na pasok si Pangulong duterte sa report ng AI sa mga lider na hindi maganda ang record pagdating sa pagpapatupad ng karapatang pantao.

Partikular na tinukoy ng grupo ang madugong kampanya ng pamahalaan sa giyera kontra droga kung saan wala wala pa umanong isinasagawang makabuhuluhang imbestigasyon sa Pilipinas kaugnay sa war on drugs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.