Ang prayer rally na ito na layong itaguyod ang kahalagahan ng buhay ay magaganap ngayong madaling araw ng Sabado.
Sa isang video message, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kaparian, relihiyoso at mga layko na makiisa sa naturang pagtitipon na gaganapin sa Quirino Grandstand.
Hinikayat ng Cardinal ang lahat na maglakad para sa mga taong ang buhay ay hindi lamang nagkakaroon ng problema kundi anya ay nagkakaroon din ng mga pagbabanta.
Isang misa na pamumunuan ni Tagle ang magaganap ganap na ika-6:45 ng umaga.
Samantala, ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Maria Julieta Wasan, hindi papayagan ang mga ‘political speeches’ ng mga pulitiko sa naturang event.
Ikinasa rin ang ‘Walk for Life’ sa iba pang bahagi ng bansa partikular sa Cagayan de Oro, Cebu, San Pablo at Tarlac.
Higit 20,000 ang dumalo sa kaparehong pagtitipon noong February 2017 ayon sa CBCP.