WATCH: Lalaking na nagbebenta ng pekeng prangkisa naaresto ng MPD

Kuha ni Jan Escosio

Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Intelligence Operation Unit ang isang UV Express driver dahil sa pagbebenta ng pekeng prangkisa.

Sinabi ni Chief Insp. Rosalino Ibay, naaresto nila ang suspek na si Anthony Breganza sa Divisoria Mall sa Maynila.

Una rito, dumulog sa MPD ang mag-asawa na binebentahan ni Breganza ng prangkisa ng UV Express na may biyaheng Paliparan-Lawton sa halagang P80,000.

Sinabi pa ni Ibay na nang beripikahin nila ang franchise number ay nadiskubre nila na hindi naman ito ipinagbibili ng may-ari ng unit.

Banggit pa ng opisyal bineberipika na rin nila ang mga binanggit na pangalan ng suspek na kakilala niya sa LTFRB at Department of Transportation (DOTr).

Hindi rin itinanggi ni Ibay na sa naturang modus dumadami ang tinatawag na kambal prangkisa sa mga pampublikong sasakyan.

Magsasagawa pa sila ng follow-up operations sa hinala na may dati ng nabiktima ang suspek.


 

 

 

 

 

Read more...