Naarestong recruiter ng CPP-NPA binasahan na ng sakdal sa DOJ
Binasahan na ng sakdal sa Department of Justice (DOJ) ang sinasabing recruiter ng New People’s Army at manugang ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Rafael Baylosis.
Si Marklen Maga, 38 anyos ay naaaresto sa San Mateo Rizal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region sa bisa ng warrant of arrest mula sa Agusan Del Sur sa kinakaharap niyang kasong murder.
Nakumpiska mula kay Maga ang isang 45 kalibreng baril dahilan para sampahan ito ng kasong illegal posession of firearms and ammunition sa DOJ.
Ang kasong murder na kinakaharap ni Maga ay kaugnay sa pagpaslang kay Judge Cesar Bordalba ng 10th Judicial Region sa Cabadbaran City sa Agusan Del Sur noong March 2017.
Ayon sa PNP-CIDG, pansamantalang ikukulong si Maga sa PNP-CIDG habang hinihintay ang resulta ng inquest.
Ayon sa mga otoridad, si Maga ay miyembro ng national organizing division ng CPP-NPA.
Bagaman inamin ng suspek na siya ay manugang ni Baylosis, itinanggi naman nitong miyembro siya ng CPP-NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.