DOTr tiniyak na may ginagawang hakbang ang gobyerno sa matinding traffic sa Metro Manila
Hindi na kinontra ng Department of Transportation (DOTr) ang ulat na umaabot na sa P3.5 bilyon ang nasasayang araw-araw dahil sa matinding traffic sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Usec. Tim Orbos makikita lang sa ginagawang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA na kailangan nang kumilos para masolusyonan ang malupit na trapik sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Orbos ipinapakita rin ng pag-aaral na gumagawa na ng mga tamang pamamaraan ang gobyerno.
Giit pa nito na ginagawa naman ng Inter Agency Council on Traffic o I-ACT ang lahat para mapagbuti ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila.
Nanawagan naman ito sa mga lokal na pamahalaan na tumulong sa pagresolba sa isyu ng traffic.
Sa katulad na pag aaral ng JICA noong 2014, sinabi na P2.4 bilyon ang nawawala dahil sa traffic sa sentrong rehiyon ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.