Ang kasong paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) ay isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban sa GDI at mga opisyal nito na sina Walter C. Spakowski, presidente; Miguel H. Prieto, treasurer; Pedro E. Paraiso, Chief Financial Officer; at Jocelyn V. Santos, Vice President for Finance and Administration.
Sa reklamo, ng BIR, nagkaroon umano ng underdeclaration ang GDI sa kanilang kinita.
Ayon kay Marissa Cabreros, deputy commissioner ng BIR Legal and Inspection Group, P1.118 billion ang pananagutang buwis ng GDI sakop ang taxable year 2007 kabilang na ang surcharges at interest.
Sinabi ni Cabreros na ginawa ng BI ang imbestigasyon sa GDI matapos silang makatanggap ng confidential information noon lamang nagdaang taong 2017.
Nagsagawa aniya sila ng pagsusuri sa records ng GDI at lumabas sa imbestigasyon na may mga pinekeng sales invoices habang ang iba ay hindi nagtataglay ng income tax number ng GDI.