LPA na binabantayan ng PAGASA, nakapasok na ng bansa

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.

Huling namataan ang LPA sa 860 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldzcar Aurello, mababa ang tsansa sa ngayon na magiging ganap na bagyo ang nasabing LPA.

Gayunman, apektado na ng nasabing LPA ang Caraga at Davao Region.

Sakaling lumakas at maging isang ganap na bagyo ang LPA habang nasa loob ng bansa ay tatawagin itong Caloy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...