Tukoy na ng mga otoridad ang mag-asawang iniuugnay sa pagpatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Demafelis sa Kuwait.
Ipinahayag ito ni Overseas Workers Welfare Adminstration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac sa isang panayam.
Hindi lamang agad pinangalanan ng opisyal ang mag-asawa na Arabic ang mga pangalan.
Tinutugis ngayon ng international police (Interpol) ang Lebanese na lalaki at Syrian na babae.
Nadiskubre ang bangkay ni Demafelis sa loob ng isang freezer sa abandonadong apartment ng mag-asawa sa Kuwait dalawang linggo ang nakalipas.
READ NEXT
Fertility rate ng mga Pinay bumaba dahil sa paggamit ng modern family planning methods – PopCom
MOST READ
LATEST STORIES