Fertility rate ng mga Pinay bumaba dahil sa paggamit ng modern family planning methods – PopCom
Bumaba ang fertility rate ng mga kababaihan sa Pilipinas base sa ginawang pag-aaral ayon sa Commission on Population (PopCom).
Ang nakikitang dahilan ng PopCom ay ang pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng modern family planning methods.
Base sa 2017 National Demographic and Health Survey (NDHS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng PopCom na ang fertility ng mga Pinay ay mayroon na lamang average na 2.7 children.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang statistical average noong 2013 survey na 3.0 children.
Ayon sa PopCom tumaas ang bilang ng mga babaeng may-asawa na gumagamit ng modern family planning methods na naitala sa 40 percent.
Lumitaw sa 2017 NDHS na maraming kababaihan ang gumagamit ng oral contraceptive pills at injectables habang 1.1 percent lamang ang gumagamit ng progestin subdermal implants gaya ng Implanon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.