Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang road repair alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (Feb. 23).
Kabilang sa maaapektuhang lansangan ang mga sumusunod:
QUEZON CITY:
- Visayas Avenue sa harap ng Department of Agriculture (DA), outer lane
- EDSA mula Roosevelt LRT station hanggang Seminary Road, 5th lane
- Congressional Avenue Extension kanto ng Tandang Sora Avenue, 1st lane
- Congressional Avenue mula Cagayan Street hanggang Culiat Bridge, 3rd lane
- Quirino Highway mula Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane
CALOOCAN:
- Bonifacio Monumento Circle, 3rd lane
Ayon sa MMDA, matatapos ang repair alas 5:00 ng umaga sa Lunes, February 26.
MOST READ
LATEST STORIES