Posibleng pansamantalang isara sa mga turista ang Boracay kapag natuloy ang pagsasailalim sa isla sa state of calamity.
Sa isang panayam, sinabi ni Environment Undersecretary Jonas Leones na maaaring isara ang Boracay nang dalawa hanggang tatlong buwan para sa rehabilitasyon nito sa gitna ng mga usaping pangkalikasang kinakaharap ng isla.
Inihalimbawa ni Leones ang ginawa sa Phuket, Thailand na isinara ang turismo nang isang taon para makarekober mula sa pagkasira ng kalikasan.
Ayon kay Leones, ilan sa kanilang plano ay ang paghuhukay para makita kung saan dumadaloy ang wastewater ng mga establishimyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.