POC may bago nang presidente; Ricky Vargas tinalo sa eleksyon si Peping Cojuangco

INQUIRER SPORTS | Marc Reyes

May bago nang presidente ang Philippine Olympic Committee (POC).

Sa isinagawang eleksyon ng komite, nahalal si National Boxing chief Ricky Vargas bilang bagong presidente ng POC matapos talunin si Peping Cojuangco sa botong 24-15.

Naganap ang eleksyon sa Wack Wack Golf and Country Club na dinaluhan ng mga kaalyado ni Vargas na sina Bambol Tolentino ng cycling at Monico Puentevella ng weightlifting.

Si Tolentino ay nahalal namang chairman ng POC.

Maging si Manny V Pangilinan ng PLDT/Smart ay nagpakita ng moral support sa grupo ni Vargas.

Halos 13 taon ding nanilbihan bilang presidente ng POC si Cojuangco.

Una nang idineklara ng Pasig RTC Branch 155 na walang bisa ang eleksyon ng POC noong Nov. 25, 2016 kung saan nagwagi si Cojuangco na noon ay wala namang kalaban.

Iniutos ng korte na magsagawa ng panibagong eleksyon ang POC ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

Read more...