Panibagong batch ng OFWs mula Kuwait dumating sa bansa
Nakabalik na ng bansa ang halos 200 Pilipino mula sa bansang Kuwait.
Sila ay sakay ng Philippine Airlines Flight PR 669 na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bago mag alas 9:00 ng umaga ng Biyernes.
Ang panibagong batch ng OFWs ay sinalubong ng mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Para naman matiyak na maayos ang kanilang kondisyon, naglagay ang Department of Health ng medical booth para sa libreng check-up at gamot sa mga umuwing OFW.
Gaya ng mga naunang batch ng OFWs na umuwi galing Kuwait, sagot ng pamahalaan ang pamasahe ng mga uuwi ng lalawigan, habang ang mga taga Metro Manila ay inihatid sa pinakamalapit na drop off point.
Binigyan din sila ng OWWA ng P25,000 na cash at livelihood assistance.
Mula noong February 11, umabot na sa halos 2,000 ang nakauwing OFW mula Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.