Apela ng simbahan sa mga kabataan: Bawas-bawasan ang social media ngayong Lenten season

By Dona Dominguez-Cargullo February 23, 2018 - 11:27 AM

Bilang bahagi ng sakripisyo ngayong Lenten season, umapela ang Simbahang Katoliko sa mga kabataan na bawasan ang paggamit ng social media.

Nanawagan si Rev. Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) sa mga kabataan na gawing sakripisyo ngayong panahon ng kwaresma ang pagbawas sa paggamit ng social media na kung minsan ay nagiging pag-aaksaya na lang ng panahon.

Sinabi ni Garganta na kung tutuusin maraming pagkakataon na hindi naman importante ang dahilan ng paggamit ng mga kabataan sa social media.

Malaking bagay aniya sa spiritual na pananampalataya kung isusuko muna o ihihinto muna ang bagay na pinakanais nating gawin para sa paggunita ng panahong ng kwaresma.

Maari din ayon kay Garganta na kung gagamit ng social media ay mag-post na lang ng Lent related na larawan o spiritual readings para maibahagi sa iba.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CBCP, Lenten Season, Radyo Inquirer, social media, CBCP, Lenten Season, Radyo Inquirer, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.