Matataas na kalibre ng armas, nasabat sa kuta ng ASG sa Sulu
Kinumpiska ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) ang walong mataas na kalibre ng armas sa Calingalan Kaluang Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig, Gen. Cirilito Sobejana, nakatanggap sila ng ulat na mayroong mga myembro ng Abu Sayyaf group sa Sitio Kadkad, Barangay Pitogo.
Dahil dito, agad nagtungo sa lugar ang mga sundalo.
Ipinahayag ni Sobejana na binabantayan ng ASG member na si Apo Eting ang apat na M16 rifles at apat na M4 rifles, ngunit tumakas ito sakay ang motor banca.
Pinuri naman ni Sobejana ang MBLT-3 na pinangungunahan ni Lt. Col. Ramil Densing.
Pinasalamatan din ng opisyal ang local government units at ang mga sibilyan sa kanilang pakikipagtulungan sa militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.