Ulat ng Amnesty International, hindi patas ayon kay PNP Chief Dela Rosa

Pinalagan ni Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa ang ulat ng Amnesty International na nagsabing hindi pinapanagot ang mga pulis sa umano’y pagpatay sa mga drug suspect.

Sa isang panayam, sinabi ni Dela Rosa na hindi patas ang ulat ng human rights group.

Iginiit ng hepe na mayroong isinasagawang imbestigasyon ang PNP.

Kinwestyon ni Dela Rosa ang ulat at sinabing mayroong mga pulis na nakakulong, kinasuhan at sinibak.

Dagdag ni Dela Rosa, ang mabagal na imbestigasyon sa ilang mga kasong sangkot ang mga pulis ay nangangahulugang ginagawa ng mga otoridad ang kanilang trabaho, at hindi gumagawa kwento.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...