15 estudyante sa isang paaralan sa Palawan sinapian umano ng masamang espiritu

By Dona Dominguez-Cargullo February 23, 2018 - 10:45 AM

Labinglimang estudyante mula sa isang paaralan ang umano ay sinapian ng masamang espiritu sa Palawan.

Ayon kay sa school principal na si Vicente Tamanyo, sa simula, dalawang estudyante ang nakitaan nila ng kakaibang pagkilos na nagsabing nakakita umano sila ng espiritu ng duguang babae.

Matapos ito ay nagpakita na ng kakaibang kilos ang iba pang mag-aaral kabilang ang mismong anak na lalaki ni Tamanyo.

Ayon sa mga magulang ng mga mag-aaral, nagsasalita ng kakaiba at may kakaibang lakas ang mga bata.

Agad dinala sa kalapit na simbahan ang mga estudyante para madasalan.

Dahil sa nasabing insidente, kinansela na rin ang klase sa paaralan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: evil spirit, Palawan, Students, evil spirit, Palawan, Students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.