China, itinuturing na most important fishing nation ayon sa Global Fishing Watch
Nangunguna ang China sa may pinakamalawak at pinakamalayong pangingisda, batay sa isang pag-aaral.
Sa research ng Global Fishing Watch, napag-alaman na tinatayang 17 milyong oras ang ginugol ng China sa pangingisda noong 2016.
Madalas mangisda ang mga Chinese sa timog bahagi ng kanilang bansa, ngunit umaabot sila hanggang sa Africa at sa South America.
Sumunod naman sa listahan ang Taiwan na may 2.2 milyong oras ng pangingisda.
Sa isang panayam, sinabi ni Global Fishing Watch Research and Development Director David Kroodsma na ang China ang itinuturing “most important fishing nation.” Aniya, mas malaki pa ang pulutong ng mga sasakyang pandagat nito.
Sa pagtaya ng Greenpeace, mayroong 2,500 fishing vessels ang China.
Gayunman, kadalasang itinataboy mga ito sa malalayong karagatan. Halimbawa nito ang pagpapalubog ng Argentina coast guard sa isang Chinese fishing vessel dahil sa iligal na pangingisda sa teritoryo nito noong 2016.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang China kaugnay nito.
Isinagawa ng Global Fishing Watch ang pag-aaral batay sa datos na nakalap at sinuri nito sa nakalipas na limang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.