400 kilo ng cocaine, natagpuan sa Russian embassy sa Argentina

Russian Embassy in Argentina

Aabot sa 400 kilo ng cocaine ang nasabat ng mga otoridad nang salalakyin ang embahada ng Russia sa Buenos Aires, Argentina.

Ayon sa security minister office ng Argentina, inaresto din nila ang limang miyembro ng drug trafficking gang matapos madiskubre ang mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng $50 million sa anex area ng embahada.

Ginagamit umano ng gang na sangkot sa ilegal na droga ang diplomatic courier service ng Russian embassy para maibiyahe ang mga ilegal na droga patungong Europa.

Mismong ang ambassador ng Russia sa Argentina ang nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad makaraang matuklasan nila ang modus noong Disyembre 2016.

Isinasama ang cocaine sa harina na nilagyan pa ng monitoring devices para mabantayan ang biyahe ng mga ito.

Ang limang nadakip ay kinabibilangan ng dalawang Argentinian at tatlong Russian.

Posibleng galing umano sa Colombia o Peru ang mga ilegal na droga na dinadala sa Russia at Germany.

 

 

 

 

 

Read more...