P1M halaga ng shabu nakuha mula sa dalawang suspek sa QC

By Mark Makalalad February 23, 2018 - 07:59 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang dalawang notoryus na drug pusher sa ikinasang operasyon ng operatiba ng Station Drug Enforcemnet Unit ng Quezon City Police.

Nakuha kasi mula sa kanila ang apat na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Nakilala ang mga suspek na sina Samim Mapandi at Junari Basher.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, umabot ng isang buwan ang kanilang monitoring bago nasukol ang dalawa.

Kalat daw ang iligal na transaksyon nila sa Manila, Quezon City at Pasay.

Ala 1:00 ng madaling araw, nagkasa ng drug buy-bust operation ang mga pulis sa Quezon Ave, corner Biak Na Bato, Brgy Sto Domingo St.

Nagpanggap ang kanilang mga operatiba na bibili ng P600,000 na halaga ng shabu.

Nang magkaabutan na ng pera at ng shabu sa loob ng pulang Toyota Innova, dito na kumilos ang DEU at inaresto ang dalawa.

Hindi naman nanlaban ang mga suspek.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa sa kanila.

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, drugs, quezon city, War on drugs, buy bust operation, drugs, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.