4 na lalaki, huling nagpa-pot session sa Parañaque

By Mark Makalalad February 23, 2018 - 07:42 AM

Sa kulungan ang bagsak ng apat na lalaki matapos mahuling nagpa-pot session sa kahabaan ng Dalandan St. Purok 4, Sampaloc site 2, Brgy. BF Homes, Parañaque City.

Nakilala ang mga suspek na sina Roberto Cruz, 42, Ivan Sampiano, 40, Joel Carlos Navales, 38 at Rey Macabenta, 37.

Ayon sa Parañaque Police, nagsasagawa sila ng Oplan Galugad sa naturang lugar nang mahuli ng kanilang mga operatiba sa pangunguna ni Police Chief Inspector Arnold Sadorra ang mga suspek na gumagamit ng iligal na droga.

Nakuha mula sa apat ang dalawang pakete ng shabu at tatlong aluminum foil strip.

Isusumite sa PNP Crime Lab ang nakuhang mga ebidensya.

Reklamong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, Paranaque, pot session, War on drugs, Illegal Drugs, Paranaque, pot session, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.