Mission team ng DENR, binigyan lang ng anim na buwan para i-restore at i-rehabilitate ang Boracay
Anim na buwan lang ang ibinigay ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu sa mission team na itinalaga sa Boracay para magsagawa ng restoration at rehabilitation sa isla.
Noong Huwebes, pinangunahan ni Cimatu ang inspeksyon sa isla para tignan kung mayroong mga paglabag ang mga establisyimento.
Isang establisyimento ang agad nakitang lumabag sa distansya mula sa high tide point ng shoreline.
Kabilang sa mga kailangang tignan ng mission team ay ang water quality sa isla, kuneksyon sa sewage system ng mga establisyimento, pag-recover sa forestlands at wetlands mula sa mga illegal ocupants, pagpapatupad ng 25 + 5 easement mula shoreline, tamang garbage collection at pag-restore ng daanan mula sa mga illegal structures.
Muling nagbabala si Cimatu sa mga kumpanya sa Boracay na ipatutupad ng DENR ang full closure sa mga makikitaan ng paglabag at hindi makikipagtulungan sa ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.