Layon sana ng mga nasabing dayuhan ang magsagawa ng fact-finding mission tungkol sa napabalitang massacre sa siyam na sibilyan sa nasabing bayan noong Disyembre.
Tinukoy ang mga naturang dayuhan na sina Julie Jamora, Dina Anderson, Jamy Drapeza, Adam Shaw, at Tawanda Chandiwanda.
Ayon kay South Cotabato Gov. Daisy Avance-Fuentes, pawang mga miyembro ang mga ito ng Gabriela Network USA Chapter.
Nakasakay ang grupo sa isang truck nang parahin sila ng mga pulis, Huwebes ng umaga, sa isang checkpoint sa Barangay Palian sa bayan ng Tupi dahil sa kakulangan ng identification at travel documents.
Galing umano sa Lake Sebu ang grupo at dinala sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration na parehong nasa General Santos City.
Ayon pa kay South Cotabato police commander Senior Supt. Nestor Salcedo, nagpakilala pa ang mga dayuhan na mga mamamahayag ngunit hindi naman natukoy kung anong kumpanya ang kanilang kinabibilangan.
Agad namang pinalaya ang mga dayuhan matapos maberipika ng mga otoridad ang kanilang mga papelas.
Kinondena ito ng coordinator ng Kalumahin Federation of Indigenous Peoples na si Arlyn Perez ang sandaling detention ng mga dayuhan at inakusahan pa ng kuntyabaan ang lokal na pamahalaan at mga sundalo.
Itinanggi naman ito ni Fuentes at iginiit na kung may sapat na travel documents lang ang mga ito ay malamang na hindi mangyayari ang insidente.